Nagbago ang pangalan ng Paymaya noong 2022 matapos itong magpalit patungong Maya, ngunit ang antas ng seguridad at ang kaginhawaan na hatid nito ay hindi nagbabago. Isa sa mga dahilan sa pagbabagong ito ay ang paglunsad ng bangkong tinatawag na Maya Bank. Walang diperensya sa pagitan ng Maya at ng Paymaya, sapagka’t tumutukoy ito sa magkaparehas na serbisyong ginagamit ng milyun-milyon para sa pagbayad.
Ating talakayin ang pagbabagong ito sa mga sumusunod na talata.
Ang Paymaya ay kilala na ngayon bilang Maya
Noong 2022, nagpalit ng pangalan ang Paymaya patungong Maya bilang tangka upang lalong pasikatin ang noo’y bago nitong Integrated Maya Bank—isang digital bank na pagmamay-ari ng Voyager Innovation, Inc., na siya ring nagsisilbi bilang nagmamay-aring kompanya ng Maya.
Noong taong 2000, nang unang ilunsad ang Maya sa Pilipinas, kilala ito dati bilang Smart Money. Noong taong 2016, sumailalim ang kompanya sa isang rebranding kung saan naging kilala ito bilang Paymaya. Sa tagal ng pag-iral nito bilang isa sa pinakakilalang pamamaraan ng pagbayad para sa mga residenteng Pilipino, tila hindi nakapagtataka na mahigit 45 milyong Pilipino na ang gumamit sa app na ito sa katapusan ng 2021.
Ang pinakahuling pagbabago ng pangalan ng kompanya ay naganap noong taong 2022, nang ipahayag ng nagmamay-aring kompanya nito na ang Paymaya ay kikilalanin bilang Maya. Sa kasalukuyan, isa ito sa pinakakilalang pamamaraan ng pagbayad na ginagamit ng mga kliyente upang makapagdeposito sa mga online casino na tinatanggap ito, katulad ng 20bet Asia (https://20bet.asia/tl), o di kaya para sa online shopping, o di kaya ang pagbayad sa mga utilidad.
Paano gumagana ang Maya?
Atin namang talakayin kung paano gumagana ang mga pagbayad gamit ang Maya. Naghahandog ang Maya ng mabilis, ligtas, at maginhawang mga transaksyon para sa lahat ng rehistradong gumagamit nito. Maaari din itong gamitin upang magsagawa ng mga padala para sa ibang Maya user, magbayad ng mga bayarin sa kuryente atbp, at para sa anumang uri ng pagbayad kung saan man ito naaangkop.
Pinahihintulutan din ng Maya ang mga padala sa mga bangko. Maaari kang magpadala ng pera mula sa iyong Maya account patungo sa iyong bangko sa iilang sandali lamang. Kung nais mong magpadala ng pera sa iyong kaibigan, ang tanging kailangan mo lamang gawin ay ilagay ang kanilang username sa Maya. Ang resulta nito ay mabibilis at komportableng mga transaksyon na talaga namang tinatangkilik ng milyun-milyong gumagamit nito.
Wakas: Iisa lang ba ang Paymaya at Maya?
Ang Paymaya app ay awtomatikong naging Maya matapos ang pagbabago ng pangalan nito. Tanyag ang mobile app ang isang walang katulad na karanasan sa paggamit na nagpapahintulot sa mga tumatangkilik nito ang paggamit ng iba’t-ibang feature. Halimbawa, maaari silang mag-trade ng mga cryptocurrency at lumikha ng kanilang sariling savings account. Ang kagandahan dito ay ang bagong app ay walang taglay na karagdagang bayarin.
Bukod dito, ang kaakit-akit na disenyo ng Maya ay pinahihintulutan ang lahat upang magpadala ng walang anumang problema. At dahil ang Maya app ay integrado na sa Maya Bank, maaari nang magbayad at magsagawa ng transaksyon ang mga Pilipino sa iilang tap lamang sa kanilang mobile device. Ang mga indibidwal na meron nang Paymaya account ay maaaring gamitin ang mga detalye nila upang gamitin ang Maya app.
Samakatuwid, ang tugon sa tanong kung iisa magkapareho ba ang Maya Bank sa Paymaya ay “hindi,” ngunit pareho silang bahagi ng pamilya ng mga produktong hatid ng Maya.