
Sa gitna ng nag-aalab na kompetisyon sa mundo ng e-wallets sa Pilipinas, isang kilalang pangalan mula sa nakaraan ang muling bumangon sa anyo ng Smart Money.
Kung GCash at Maya ang hari ngayon ng mobile payments, tila may binabalak ang grupo ng bilyonaryong si Manuel V. Pangilinan (MVP) para muling sumabak sa laban. Ayon sa mga impormasyong nakalap ng pahayagang ito, tahimik ngunit tuloy-tuloy ang mga diskusyon at pagkilos ukol sa pagbuo ng isang panibagong fintech platform sa ilalim ng telco giant na Smart — at ito nga ay muling paglunsad ng naunang e-wallet solution na ito na pinamagatang Smart Money.
Kung pamilyar sa’yo ang pangalang Smart Money, hindi ka nagkakamali. Ito ang naunang e-wallet service na sinimulan noon ng kompanyang pantelekomunikasyon na sinundan ng e-wallet na mas kilala sa pangalang PayMaya, na kalaunan ay naging kilala bilang Maya sa kasalukuyan.
Bagaman hindi pa opisyal ang muling paglunsad ng Smart Money, matatagpuan na ito sa Apple Store. Ang paglitaw nito sa naturang app store ay isang palantandaan na malapit na itong pormal na ilunsad para sa madla at sa publiko sa lalong madaling panahon.
Ngunit ang muling paglunsad ng Smart Money ay tiyak na magdudulot ng mga katanungan para sa mga gumagamit ng e-wallet app. Samakatuwid, bakit nga ba kailangan ng Smart ng panibagong e-wallet platform kung meron nang Maya? Ayon sa mga tagapagsuri ng merkado, maipapaliwanag ang kadahilanan ng pagbabalik ng Smart Money dahil nagbago na ang direksyon ng Maya. Dahil ang Maya ay kabilang sa anim na lisensyadong digital bank na pinapatnubayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mas nakatutok na ang Maya bilang solusyon para sa mga negosyante at iba’t-ibang merchant kaysa sa pagiging isang peer-to-peer na e-wallet.
Bukod dito, minorya na lang ang pagmamay-ari ng PLDT sa Voyager Innovations, na siyang nagsisilbi bilang parent company ng Maya. Ang kahulugan nito ay walang impluwensiya ang mga lider ng PLDT katulad ni Pangilinan at ang bagong presidente ng Smart na si Anastacio “Boy” Martirez sa direksyon ng Maya. At ayon sa balitang nakalap ng aming mga bubuwit, tila hindi sila magkasundo ng CEO ng Voyager Innovations na si Orlando B. Vea.
Kaya kung ang layunin nila Pangilinan at ni Martirez ang tapatan ang lideransa ng GCash sa merkado, bakit nila hindi buhayin ang kanilang dating brand na kilala na ng madla at kung saan ang grupo ni Pangilinan ang may lubos na karapatan sa direksyon ng naturang kompanya? Tila ito ang kadahilanan kung bakit handa ng manumbalik sa merkado ang Smart Money 2.0.
At bakit hindi? Matapos ang pagsikat ng Maya bilang isa sa nangungunang digital bank sa Pilipinas, naging lider din ito sa mundo ng online casino at iGaming sa Pilipinas. Naglipana ang mga online casino at sports betting platform na gumagamit ng Maya bilang isa sa mga opisyal na pamamaraan ng pagbayad dahil sa bilis, dali, at pagkakilala nito bilang subok na solusyon sa bansa. Isa dito ang 20Bet Asia casino, na kilala sa buong daigdig, ngunit lubos na lokalisado para sa mga manlalaro sa Pilipinas. Isa ito sa mga tanyag na lisensyadong online casino na tumatanggap sila ng Maya (bukod sa GCash), kaya makakatiwyak ang mga malalarong gumagamit nito sa mga agaran at walang patid na deposito at withdrawal.
Hindi man maingay, isa na ngayon ang Maya sa pinakapinagkakatiwalaang e-wallet sa online casino scene, lalo na para sa mga Pilipinong player na gustong ligtas at mabilis ang transaksyon.
Kung GCash ang kasalukuyang hari, at Maya pumapangalawa sa iGaming, handa na bang maging challenger ulit ang Smart Money?
Abangan natin kung paano ito palalakarin ni MVP — at kung ito nga ba ang bagong kakompetensya na makikipagbakbakan para maging susunod na unicorn sa larangan ng fintech sa Pilipinas.